MANILA – Dinampot ng mga tauhan ng Cubao Police Station ang 25 katao sa isang compound sa Brgy. San Roque dahil sa online sabong.Sinalakay ng mga pulis ang compound matapos makatanggap ng kabi-kabilang reklamo ukol sa operasyon ng ilegal na pasugalan sa nasabing lugar.Naaktuhan ng mga pulis ang ilang lalaki, kabilang ang isang menor de edad na tumatanggap ng taya. Ilan pa sa kanila ay nag-iinuman pa at walang suot na face mask.Paliwanag ni Police Major Jowilouie Balaro, hepe ng Cubao Police Station, bawal sa mga patakaran sa ilalim ng community quarantine ang anumang uri ng electronic gaming activity.“Very blatant talaga yung violation dun sa quarantine protocols natin kasi po ay nagkaroon na sila ng social gathering at nag-iinuman pa sila, and marami ang hindi naka-face mask at face shield,” wika ni Balaro.Ayon sa operator ng online sabong, napilitan silang mag-operate sa compound dahil wala silang pambayad sa puwesto at kailangan nilang kumita.Todo-tanggi naman ang ilang nahuli na tumataya sila sa online sabong. (AI/FC/MTVN)Source: maharlika.tv