19 kalaboso sa online sabong (Sabong Arena)
Genre
Sabong Arena
Keywords
Online Sabong
Article ID
00000870
Hindi bababa sa 19 na katao ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang operation laban sa isa sa mga illegal gambling games na Online Sabong sa Caloocan City Linggo ng tanghali.
Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) OIC PMaj. Amor Cerillo ang mga naaresto na sina Jude Hernandez, 21, Richard Vencing, 33, Reynaldo Lacsina, 45, Erick De Leon, 30, Jay Samudio, 26, Ricky Glinogo, 46, Robert Callao, 44, Rodolfo Bonifacio, 37, Noli Escalona, 49, Christopher Calimag, 55, Eugenio Ganadores, 54, Ryan Castillo,30, company driver, Ricardo Delos Santos, 37, business Owner, Julian Alugin,40, security guard, Nemecio Elisaga, 55, Inigo Garcia, 43, Albert Lindongan, 34, Ronnie Aviles, 39 at Adan Bacarra, 45.
Ayon kay bagong NPD Dir. PBGen. Jose Hidalgo Jr. ay nakatanggap umano ng tip mula sa isang confidential informant ang mga tauhan DSOU hinggil sa illegal gambling game na Online Sabong na kasalukuyan umanong nagaganap sa Blk 1 LRTB Court Sawata, Maypajo, Brgy. 35 ng nasabing lungsod.
Mabilis namang bumuo ng team ang mga tauhan ng DSOU sa pangunguna kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO sa pangunguna ni PLt. Abe Lunggami.
Isang pulis ang nagpanggap na bettor at matapos na makataya sa bet collector ay doon na ito nagbigay ng senyales na positibo nga ang nagaganap na ilegal na sugal sa lugar, agad namang nilusob ng mga awtoridad ang lugar at pinagdadampot lahat ng naroroon.
Na-recover ng mga awtoridad ang cellphone na gamit sa online sabong, papel na gamit bilang bet logs/receipt, ballpen, Skyworth TV 50 na gamit bilang monitor sa illegal gambling game, P85,070 bet money at isang P1,000 marked money.
Sa ngayon ay mga nasa kustodiya na rin ng NPD detention facility ang mga naaresto na pawang mahahanap sa kasong illegal gambling.