Kabataang naaadik sa online gambling dumarami (Sabong Arena)
Genre
Sabong Arena
Keywords
Online Sabong News
Article ID
00000856
MANILA, Philippines — Tumataas umano ang bilang ng mga kabataang naaadik o nahuhumaling sa online gambling kaya ipinasisiyasat ni Deputy Speaker at 6th District Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa Kamara ang online cockfighting o e-sabong, online bingo, virtual casino at iba pang uri ng internet gambling.
Anya, ang internet ay nag-aalok ng access at pagtatago ng pagkakakilanlan ng mga manunugal kung saan dapat na bantayang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil ang mga ito ay computer literate.
Dahil online o digital currency ang gamit sa pagpusta sa online sabong, marami umano ang nalululong sa bisyong ito dahil isang pindot lang ang pagtaya. Ang masakit dito anya pa, kahit menor- de-edad ay nakakataya sa online sabong sapagka’t hindi naman nakikita ng operators o ng PAGCOR kung sinu-sino ang tumataya.
Marami na rin umanong napabalita na mag-asawang naghiwalay dahil naadik sa online sabong ang asawa habang may mga seaman at OFWs na nagpakamatay dahil naubos ang naipon at walang maiuwi sa pamilya.
Kagnay nito, nanawagan ang solon na i-regulate ang e-sabong at e-bingo upang maiwasan na malulong din ang mga kabataan dahil tulad rin ito ng virus na sumisira sa buhay ng mga naadik sa online gambling.