Sabong Tips Para Sa Wastong Pagpili at Pag-Aalaga Ng Iyong Mga Panabong (Sabong Arena)
Genre
Online Sabong
Keywords
Sabong Tips
Article ID
00000823
Native man o imported ang iyong manok na panabong, madali lang mag-alaga dito sa Pilipinas kahit ano pa man ang mga lahi ng mga ito. Alam ng mga beteranong gamefowl breeders na hindi maselan ang mga manok sa lugar kung saan sila pinalalaki at pinapatibay bago isalang sa sabong. Ngunit importante pa rin alamin kung anu-ano ang iba’t ibang uri ng mga manok na panabong ang mga basic na sabong tips para maalagaan ang mga ito mula sa pagiging sisiw hanggang maging isang champion battle cock.
Iba’t ibang uri ng manok na panabong
Hatch
Ang mga manok na ito ay maalaga sa sarili at magaling sa ‘cutting’, mabilis, at malakas pag dating sa bakbakan. Berde ang mga paa ng mga Hatch at tunay na pangmatagalan dahil sa malakas ang kanilang mga resistensya.
Roundhead
Mula sa iba’t ibang parte ng Asya, ang mga Roundhead ay makikilala sa kakaibang ‘pea comb’ sa tuktok ng kanilang mga bilugang ulo. Sa laban, magaling sila sa liparan kahit na panandalian lamang ang lipad ng mga ito, at may mabagsik na sipa sa kanilang mga itim na paa.
White Hackel
Marami ang nagsasabing isa ang White Hackel sa pinakamagandang panabong sa buong dagidig dahil sa puti at malinis nitong balahibo. Kung ano ang ganda nito sya rin ang bagsik sa rueda gawa ng pagiging teknikal at matalino ngmga ito.
Lemon Fowl
Isang classic na panabong, ang Lemon Fowl ay ay may mala-berde o dilaw na paa at diretso at pulang balahibo. Nagmula ang breed na ito sa Pilipinas at magaling umilag sa kalaban habang mabilis naman umatake.
Kelso
Isa sa pinakamahusay na panabong ang Kelso na parehong magaling sa liparan at bakbakan sa lupa at isa sa mga matatalinong uri ng panabong. Ang kanilang mga paa ay nagiiba mula dilaw hanggang maging puti habang tumatanda.
Sweater
Magaling itong panabong na ito sa liparan at nagiiba ang mga balahibo nito mula sa dilaw hanggang sa maging ginto. Malapit ang breed na ito sa Kelso.
Sabong tips sa pagaalaga ng mga panabong
Dahil may iba’t ibang katangian ang mga manok na panabong, iba iba rin ang paraan kung paano alagaan ang mga ito. Mula sa pag-kundisyon ng mga ito bilang mga sisiw hanggang paglaki ng mga ito, narito ang ilan sa mga pangunahing paraan na dapat unawain sa pagaalaga ng mga gamefowl.
Pumili lang ng mga breed na aalagaan
Mga batikang mananabong mismo ang magsasabi na importante ang pagpili ng mga uri ng panabong iyong aalagaan bilang isang breeder. Bilihin ang mga ito habang sisiw pa lamang sa mga subok na breeders para makasigurado sa pisikal na mga katangian ng mga ito.
Gumawa ng brooder para sa sisiw
Importanteng maluwag ang brooder ng iyong mga sisiw upang hindi sila magsiksikan at mainitan habang nakakakulong. Ang tamang sukat ay dapat nasa ½ square foot para sa mga sisiw na maliliit at 1 square foot para sa mga lagpas isang buwan.