PAGBUBUWIS SA ONLINE SABONG, IBA PANG OFFSITE BETTING GAMES APRUB NA SA HOUSE PANEL (Sabong Arena)
Genre
Online Sabong
Keywords
Online Sabong
Article ID
00000715
LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang House Bill 7919 na magpapataw ng buwis sa electronic-sabong at iba pang mga offsite-betting ng locally-licensed games.
Sa ilalim ng panukala na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng komite, inaasahang makakalikom ang pamahalaan ng mas malaking kita kumpara sa P13.7 million na koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong 2019.
Paglilinaw ni Salceda, ang mga operasyon ng sabong at iba pang betting games ay legal naman salig na rin sa mga local ordinance, ngunit itinuturing naman ng kongresista na ‘gray area’ ang electronic na aspeto nito.
Dahil ang operasyon ng online sabong at iba pang electronic-betting activities ay hindi nababantayan ng pamahalaan, hindi nakasisingil ng buwis sa ganitong mga aktibidad.
Sa ilalim ng panukala, ang buwis na ipapataw ay mula 5 porsiyento ng gross revenue ng offsite betting games ng mga locally licensed game.
Para naman sa higit na transparency at regulasyon ay binibigyang kapangyarihan ang BIR na i-accredit at inspeksyunin ang mga device na ginagamit para maberipika ang tax assessments.
Ayon naman kay Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, aabot sa P50 billion kada taon ang nasabing industriya pero hanggang ngayon ay hindi makakolekta ng revenue dito ang mga LGU. CONDE BATAC
Source: pilipinomirror.com