I-regulate ang online sabong (Sabong Arena)
Genre
Online Sabong
Keywords
Online Sabong
Article ID
00000638
Maraming pagkukunan ang pamahalaan ng pondo para ipang-ayuda sa mga kababayang naghihikahos ngayong pandemya. Ilan dito ay ang offshore gaming operations (POGOs) at ang naglipanang online sabong sa buong bansa.
May go-signal na ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa online sabong sa mga kuwalipikadong operators. Bukod sa mahigpit na pangangailangan ng pondo, kailangang masusing tingnan ng pamahalaan ang multi-bilyong operasyong online sabong para protektahan ang kapakanan ng mga sabungero.
Sa hakbang na ito – “two birds with the same stone” – dahil bukod sa makakalikom ang pamahalaan ng revenue, masasawata pa ang mga panlolokong ginagawa sa libu-libong mananaya.
Sa operasyon na mistulang “cat-and-mouse” ang online sabong, mainam na i-regulate na lamang ito. Gawin nang legal. Praktikal ito di ba?
Ayon sa PAGCOR, tanging limang kompanya ang naghain ng aplikasyon upang mag-operate ng online sabong, ngunit dalawa lamang ang pinayagan – ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp. Nabigyan na ang dalawa ng go-signal matapos magsumite ng mga dokumento gaya ng paid-up capital at performance bond.
Bawat lisensiyadong operator ng online sabong ay dapat magbigay sa pamahalaan ng P100 milyon bawat buwan. Kung susumahin, makakalikom ang pamahalaan ng P1.2 bilyon sa Lucky 8 Star Quest Inc. at P1.2 bilyon din sa Beldevere Corp. sa loob ng isang taon.
Kaya sinuman ang nagpapa-online sabong na hindi sa ilalim ng dalawang kompanyang pinayagan ng PAGCOR, gaya ng nagngangalang “Mulong” sa Pangasinan at La Union, hamon ito sa itinalagang bagong PNP chief si Lt. Gen. Guillermo Eleazar. Hulihin niya at kasuhan ang mga ito!
Source: philstar.com