P1.25 bilyong buwis kita sa e-pusta, e-sabong (Sabong Arena)
Genre
Sabong Arena
Keywords
Online Sabong Updates
Article ID
00000463
MANILA, Philippines — Inaasahang kikita ang pamahalaan ng P1.25 bilyon sa unang taon ng implementasyon ng pagpapapataw ng buwis sa mga electronic na pustahan (e-pusta) partikular na ang sabong (e-sabong) sa bansa.
Ayon kay 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Ways and Means Committee, katumbas ito ng 90 beses sa laki kaysa P13.7M buwis na kinikita sa kasalukuyan ng gobyerno mula sa mga sabungan sa buong bansa na makatutulong para mapagkunan ng karagdagang pondo sa pagtugon sa COVID-19.
Ang House Bill (HB) 8065 na isinulong ni Salceda, pangunahing may-akda ng panukala ay ipinasa ng Kamara noong Disyembre 15, 2020 sa botong 215 pabor, isang kontra at walang hindi bumoto.
Agad naman itong ipinadala sa Senado para pag-aralan at pagdebatehan.
Ipinaliwanag ni Salceda na ang buwis sa ilalim ng HB 8065 ay ipapataw lamang sa mga pustahan sa labas ng mga pasugalan na lisensiyado ng mga pamahalaang lokal na ang kita ay sadyang kailangan upang mapondohan ang mga tugon laban sa Covid-19, at mga hakbang upang makabangon ang bansa sa pagkakalugmok na dulot ng pandemya.