'Tukaan na!': Sabong aprub na sa MGCQ areas, sabi ng IATF (Sabong Arena)
Genre
Sabong Arena
Keywords
Legal Sabong Online
Article ID
00000375
MANILA, Philippines — Sabong na sabong ka na ba? Nakatira sa modified general community quarantine (MGCQ) area? Sakto — may good news sa inyo ang coronavirus disease (COVID-19) task force ng gobyerno.
Aprubado na kasi, Huwebes, ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang isang resolusyon na magpapahintulot sa "cockfighting" basta't saklaw ng MGCQ.
Kasalukuyang nasa MGCQ ang kalakhan ng mga lungsod, bayan at probinsya sa Pilipinas hanggang ika-31 ng Oktubre. Ito ang pinakamaluwag na quarantine classification kontra COVID-19.
Wala namang ibinigay na detalye ang IATF kung paano makakapanuod ang publiko ng sabong gayong bawal ang mga 'yan.
"[T]he local government units shall have the final decision on whether the operation of licensed cockpits and conduct of cockfighting activities can proceed in their respective localities," dagdag ng taskforce.
Bago ang lahat, dapat din daw na sumunod ang mga lisensyadong sabungan sa wastong health and safety protocols para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na COVID-19.
Kaugnay niyan, patitindihin naman daw ng Philippine National Police ang mga iligal na sabong (tupada), kasama na 'yung mga ipinalalabas sa internet.
"We would like to remind the public that this kind of operation is illegal. We urge the operators and the players to wait for additional time for the release of the IATF Guideline on cockfighting operation before engaging in any activity," ani PLt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng JHoint Task Force COVID Shield.
Samantala, pinayagan na rin ang operasyon ng mga off-track horse race betting (OTB) stations sa ilalim ng mga general community quarantine (GCQ) pababa, ngunit dapat ding sumunod sa health and safety protocols.