SABONG BAWAL PA RIN SA BICOL (Sabong Arena)
Genre
Sabong Arena
Keywords
SABONG BAWAL PA RIN SA BICOL
Article ID
00000235
ALBAY-Patuloy na ipinagbabawal ang sabong sa mga cockpit arena sa mga lalawigan sa Kabikolan alinsunod sa ipinatutupad na kautusan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases(IATF-EID).
Ito ang ipinaalala ng pamunuan ng Bicol PNP sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si PMaj. Malou Calubaquib batay na rin sa mahigpit na direktiba ni PBGen.Jonnel Estomo,pangkalahatang pinuno ng kapulisan dito kung saan inatasan na umano nito ang lahat ng Provincial Director at hepe ng bawat istasyon sa anim na lalawigan na patuloy na ipatupad sa kanilang AOR ang naturang kautusan.
“Susundin ng mga pulis kung anoman ang ipinag-utos ng IATF na ipagbawal ang operasyon ng mga sabungan (cockpit) habang nasa MGCQ ang mga lugar dito”ani Major.Calubaquib.
Ito’y sa kabila nang lumabas na posts ng mga netizen na may mga Mayor at iba pang opisyal na nakikita sa mga sabungan sa ilang bayan dito na nagsasabong kahit bawal pa ito.
Kaugnay nito, nagpalabas naman kamakailan ng Executive Order No.17 at 18 si Masbate Governor Antonio Kho na nagbabawal sa anomang uri ng sabong sa mga cockpit arena sa buong lalawigan maging ang pagpapalabas ng e-sabong sa widescreen na pinagkukumpulan ng mga sugarol, upang maiwasan naman ang pagkalat ng COVID-19 dito na unti-unting tumataas ang bilang ng nagkakasakit nitong nakalipas na mga araw.